^

Police Metro

Miyembro ng PAF natagpuang patay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa malinaw kung nagpakamatay o pinatay ang biktimang si Airman 2nd Class Joebert Esconde Madayag, na natagpuang duguan ang ulo sa loob ng kanyang barracks sa Headquarters and Support Service Group ng PAF sa Villamor Air Base Pasay City kahapon.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Madayag na may tama ng bala sa ulo sa loob ng opisina nito at natagpuan sa tabi ang isang kalibre .9mm pistol.

Ilang mga kasama­hang sundalo ni Madayag ang inimbitahan ng pulisya upang magbigay paliwanag kaugnay sa insidente kaya’t inabot ng maghapon ang pag­sisiyasat na isinagawa ng pulisya. Isasailalim din sa paraffin test ang bangkay ng biktima upang makum­pirma kung sadyang nagpakamatay o pinatay ang biktima. – Joy Cantos, Danilo Garcia –

 

 

vuukle comment

BATAY

CLASS JOEBERT ESCONDE MADAYAG

DANILO GARCIA

HEADQUARTERS AND SUPPORT SERVICE GROUP

ILANG

ISASAILALIM

JOY CANTOS

MADAYAG

VILLAMOR AIR BASE PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with