^

Police Metro

Panuntunan sa pagpili ng lider ng bansa inilabas ng Cardinal

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naglabas si Manila Ar­chbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng mga panuntunan para sa pagpili ng isang mahusay at tunay na lider ng bansa.

Sa kanyang mensahe sa isang leaders forum na ginawa sa lungsod Quezon, apat na mahahalagang panun­tunan ang kinakailangan anyang maging katangian ng isang lider na mamuno sa ating bansa.

Una na rito anya ay ang tinatawag na “vision”, batay sa realidad, kakayanan at magbibigay ng direksyon para sa kapakanan ng nakakarami.

Mayroon din anyang kakayahang makahubog ng isang pangkat o “team” na ipagpapatuloy ang lahat ng sinimulan ng lider kahit wala na ito sa mundo at maipamamana sa mga susunod pang papalit dito.

Dapat din anyang culture sensitive rin ang isang lider, at alam ang paraan para maimpluwensiyahan ang isang kultura ng hindi nito matatapakan ang kanilang kalooban, halimbawa na rito ang lengguwahe, o pananaw.

At ang pinakamahalaga, sabi pa ng Cardinal ay ang pagkakaroon ng integridad, dahil sa ganitong katangian umano nakikita kung nasunod ng lider ang kanyang “vision”  at nalalaman ang pagkukulang sa kanyang mga sinimulan.

Si Cardinal Tagle, ay naging guest speaker sa isang Leaders forum na inorganisa ng Gerry Roxas Foundation, sa Cubao QC kung saan naging benepis­yaryo rin ang una ng scho­larship.

CUBAO

DAPAT

GERRY ROXAS FOUNDATION

ISANG

LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

MANILA AR

MAYROON

NAGLABAS

SI CARDINAL TAGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with