^

Police Metro

Kaso ng pulis vs kolumnista, ibinasura ng piskalya

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunsod ng kawalan ng merito, kaya ibinasura ng Manila City Prosecutor’s Office ang kasong grave threats at attempted homicide na isinampa ng isang dating pulis laban sa isang kolumnista.

Sa isang pahinang reso­lusyon ni Assistant City Prosecutor Rodolfo Azucena Jr., wala umanong nakitang probable cause upang iakyat sa hukuman ang mga naturang kaso na isinampa ng dating pulis na si Benjamin Abad, laban kay Alex Balcoba, kolumnista ng People’s Brigada.

Nag-ugat ang kaso nang samahan ni Balcoba ang ilang pulis-Maynila dakong 12:30 ng tanghali noong Hunyo 18, 2012 sa kinaroroonan ni Abad sa Oroquie­ta St., Sta. Cruz, Manila upang arestuhin ito dahil sa reklamong panunutok ng baril.

Kinuhanan ng larawan ni Balcoba si Abad, sanhi upang sampahan niya ito ng kaso.

Sinabi ng piskalya na ang pagkarekober ng mga pulis ng isang baril kay Abad nang arestuhin ito ay pagkumpirma lamang sa pahayag ni Balcoba sa mga pulis na, “Hulihin ninyo yan si Abad. May baril yan, kunin ninyo!”

Wala rin nakitang dahilan ang piskalya para sampahan ng kasong attempted homicide si Balcoba dahil ginagampanan lamang aniya nito ang kanyang tungkulin bilang reporter nang kuhanan ng larawan si Abad habang inaaresto.

 

ABAD

ALEX BALCOBA

ASSISTANT CITY PROSECUTOR RODOLFO AZUCENA JR.

BALCOBA

BENJAMIN ABAD

BRIGADA

BUNSOD

CRUZ

MANILA CITY PROSECUTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with