^

Police Metro

Barko lumubog: 1 patay 14 pa ang nawawala...

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi, pito ang sugatan, 10 ang nailigtas at 14 pa ang nawawala sa paglubog ng isang barko sa karagatan ng Bolinao, Pangasinan, kahapon ng umaga.

Sa panayam kahapon ng hapon kay PCG Spo­kes­man Armand Balilo, sinabi nito na kasaluku­yang nagsagawa ng Search and Rescue Ope­rations (SAR) ang mga tauhan ng PCG para sa nawawala pang 14 na tri­pulante, na pawang Myanmar nationals na sakay ng lumubog na MV Arita Bauxite, isang Myanmar vessel.

Nanggaling umano sa Indonesia ang nasabing Myanmar vessel patu­ngong China at may kargang coal.

Nagkaroon umano ng engine trouble ang barko at sinabayan pa ng mala­laking hampas ng alon kamakalawa ng gabi bago tuluyang lumubog sa Bolinao, Pangasinan.

Ayon kay Balilo, dakong alas-9:20 ng umaga kahapon nang mai-report sa kanilang tanggapan ni 2nd mate Wang Jun ng MV Jin Cheng, na na­daanan nila ang mga tripulante.

“Katunayan katabi ng barko namin  ang MV Jin Cheng na nakapagligtas sa mga sakay ng lumubog na Myanmar vessel. Nagpalabas na rin kami ng notice to mariners para makatulong ang ibang nag­lalayag na maisalba pa ang mga nawawala,” ani Balilo. Sinabi pa ni Balilo, isinakay sa chopper ng PCG ang 10 nailigtas na tripulante patungo sa Sual, Pangasinan kung saan ang dalawa sa kanila ay may sakit.

Habang ang iba pang nailigtas ay sinasabing nasa maayos ng kalagayan ngayon ay sumasailalim sa stress debriefing. Iniutos na rin ni PCG Commander Rear Admiral Rodolfo Isorena na tukuyin kung saan ang eksaktong lugar na pinaglubugan ng barko upang mada­ling makita at mailigtas ang mga nawawala pang tripulante.

ARITA BAUXITE

ARMAND BALILO

BALILO

BOLINAO

COMMANDER REAR ADMIRAL RODOLFO ISORENA

JIN CHENG

MYANMAR

PANGASINAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with