^

Police Metro

Binay, bagong miyembro ng PMA Class 1988

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natupad na rin ang matagal ng pangarap ni Vice President at United Nationalist Alliance (UNA) Chairman Jejomar Binay na maging sundalo.

Ito’y matapos na pormal ng manumpa si Binay kahapon bilang honorary member ng Silver Jubila­rians  ng Philippine Military Academy (PMA) Maringal Class 1988 sa ika-50 taong Alumni Homecoming ng premyadong institusyon ng militar.

Sinabi ni Binay, isa sa mga naging kabiguan niya sa buhay ay matapos na dahil hindi siya matanggap na kadete sa PMA noong kabataan niya dahil kulang siya sa tangkad.

Umani naman ng masi­gabong palakpakan, ma­ta­pos na pabirong ipakilala ni ret. Lt. Gen. Eduardo Bate­nga, Presidente ng Alumni Homecoming Incorporated si Binay bilang si “Jejemon Binay”.

Sa kanyang talumpati ay isiniwalat ni Binay na noong kabataan niya ay na­bigo siyang makapasok sa PMA bilang kadete dahilan sa “Cool-cut “ o kulang sa sukat ng pagkalalaki.

Magkagayunman, si­nabi ni Binay na masaya na siya at nagkaroon ng katuparan sa wakas ang kaniyang pangarap kung kailan pang isa na siyang opisyal ng gobyerno bilang isang reservist Colonel ng Philippine Marines.

“Marami akong cousin dito sa PMA, yung mga, kasingtangkad, kasing-dilim ng kulay ko at marami pang iba yung mga kasingtanda ko sa 1963”, pabiro pang sabi ng Bise Presidente.

Bukod kay Binay ay itinuturing ring mistah ng PMA Class 1988 si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Emilio Abaya na aktibo naman sa Liberal Party (LP) at mahigpit na kalaban ng UNA. 

Kabilang sa mga  miyembro ng PMA Class 1988 ay sina AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., Quezon Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Dionardo Carlos at iba pa.

ALUMNI HOMECOMING

ALUMNI HOMECOMING INCORPORATED

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

BINAY

BISE PRESIDENTE

CHAIRMAN JEJOMAR BINAY

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DIONARDO CARLOS

DIRECTOR P

EDUARDO BATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with