^

Police Metro

Vice Mayor Isko, 4 pang konsehal arestado sa bingo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhang ng Manila Police District si Manila Vice Mayor Isko Moreno at apat na konsehal sa lungsod dahil umano sa paglalaro ng bingo sa Tambunting, Sta Cruz, Maynila, kahapon ng hapon.

Dinala sa himpilan ng pulisya si Moreno kasama sina  Konsehal Joel Chua, Re Fugoso, Yul Servo at  Jong Isip matapos silang dakpin dakong alas-3:30 ng hapon  habang isinasagawa ang  pabingo sa barangay Tambunting.

Ayon kay Moreno, malinaw na political harassment ang ginawa sa kanila  dahil ang  bingo ay wala na umano sa hanay ng mga illegal na sugal.

Nagtataka si Moreno kung ano ang kanilang kakaharaping kaso na ayon umano sa mga pulis na dumakip sa kanila ay paglabag sa illegal gambling ang kanilang kasalanan.

Kinondena ni Moreno ang umano’y marahas na pagdakip sa kanila dahil masyado umanong marami pulis ang dumampot sa kanila samantalang nagkakasayahan lamang ang  mga residente  ng Tambunting.

Bunsod nito, mabilis namang  nagtungo si dating Pangulong Joseph Estrada upang damayan ang kanyang mga kapartido sa nalalapit na halalan.

Paliwanag ni Moreno, hindi pa naman illegal ang kanilang  ginawa  dahil ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes ay sa Marso 29 pa simula ang  kampanya ng mga local officials.

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

JONG ISIP

KONSEHAL JOEL CHUA

MANILA POLICE DISTRICT

MORENO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RE FUGOSO

TAMBUNTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with