^

Police Metro

European Parliament members dumalaw sa Pinas

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumisita sa Pilipinas at nagpahayag ng suporta ang pitong miyembro ng European Parliament (EP) sa hakbang ng pamahalaan na magkaroon ng “peaceful resolution” sa maritime dispute sa West Philippine Sea o South China Sea.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA),  nasa bansa ang mga mi­yembro ng EP’s delegation for Relations of Southeast Asia and ASEAN (DASE) para sa kanilang limang araw na pagbisita. Sila ay nag-courtesy call kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario kahapon ng umaga.

Ang delegasyon na pi­namumunuan ni EP Chair Werner Langen ay nasa bansa upang tingnan ang economic at social deve­lopments ng Pilipinas.

Nabatid na pinuri ni Dr. Langen ang Aquino Administration sa kanyang adbokasya para sa “good governance” at sa paglakas ng ekonomiya ng bansa dahil na rin sa kampanya ng Pangulo na sugpuin ang korapsyon sa gobyerno.

Nagpahayag ng suporta ang European parliamentarians sa pagkilos ng pamahalaan para sa matahimik na hakbang upang malutas ang maritime dispute sa kanyang mga kapitbahay na bansa.

Nauna rito, nakipagkita at nakipagpulong din ang EP delagation kina House Speaker Feliciano Belmonte, Sen. Edgardo Angara, BSP Gov. Amando Te­tangco at  Secretaries of Justice, Trade and Industry, at Labor,  Presidential Adviser for the Peace Process, ang pinunuo ng Commission on Human Rights (CHR), at maging ang European Chamber of Commerce at civil society representatives.

AMANDO TE

AQUINO ADMINISTRATION

CHAIR WERNER LANGEN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DR. LANGEN

EDGARDO ANGARA

EUROPEAN CHAMBER OF COMMERCE

EUROPEAN PARLIAMENT

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with