^

Police Metro

Kampanya vs Terorismo ng PH at Canada pinalakas

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Higit pang pinalakas ng Pilipinas at bansang Canada ang kanilang puwersa para sa kampanya kotra terorismo.

Ipinakita kahapon kay Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Bia­zon ng isa sa opisyal ng bansang Canada ang isang behikulong ginagamit sa paglaban sa mga terorista.

Ipinakita kay Biazon ni Sub-Lieutenant Deck Watch Keeper Chris Witters ang Auxiliary Utility Vehicle na isa sa mga ginagamit ng Her Majesty Canadian Ship Regina.

Ito ay isang uri  ng Frigate Canadian Ship na ginagamit ng bansang Canada sa kanilang operas­yon kontra terorismo.

Nabatid na ang HMCS Regina ay bumisita sa bansa sa loob ng tatlong araw para palakasin ang samahan sa pagitan ng Pilipinas at Canada.

Kasama ni Biazon sina Deputy Commissioner for Internal Administration Lorenzo Tanada at Captain Glen Agudo ng Philippine Marine Corps nang ipakita sa kanya ni Witters ang naturang sasakyang pandagat.

AUXILIARY UTILITY VEHICLE

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CAPTAIN GLEN AGUDO

COMMISSIONER RUFFY BIA

DEPUTY COMMISSIONER

FRIGATE CANADIAN SHIP

HER MAJESTY CANADIAN SHIP REGINA

INTERNAL ADMINISTRATION LORENZO TANADA

IPINAKITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with