Dean ng MMSU binoga, malubha
MANILA, Philippines - M alubha ang kalagayan ngayon ang dean sa College of Law ng MaÂriano Marcos State University (MMSU) matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo sa parkingarea ng unibersidad sa Batac City, Ilocos Norte nitong Huwebes ng gabi.
Ginagamot ngayon sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMH&MC) sa Batac City ang biktimang si Atty. Ramon “Chito†Leaño, bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sinabi ni P/Supt. Jeffrey Gorospe, Spokesman ng Ilocos Norte Police, dakong alas-6:50 ng gabi ng maganap ang insidente sa parking area ng MMSU na matatagpuan sa Brgy. Quiling ng lungsod.
Ayon sa report, kukunin sana ng biktima ang kanyang sasakyan sa parking area nang bigÂla siyang pagbabarilin ng dalawang suspek ng makitang bumagsak ay saka tinangay ang bag ng biktima at mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo.
Agad namang tinuluÂngan ng mga estudyante ang biktima na mabilis na isinugod sa hospital habang ang iba ay humingi ng tulong sa mga awtoridad kaya isinagawa ang pagtugis sa mga suspek.
Sa dragnet operation ng pulisya sa Pinili, Ilocos Norte ay nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Jomar Quezada, 24 anyos at Reynaldo Pagatpatan, 32, na isang aktibong miyembro ng CAFGU na pawang ng tubong Nueva Era sa lungsod.
Nabawi ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang isang shoulder bag at wallet na pag-aari ng biktima na naglalaman ng mahigit P20,000, flash drive, class cards, mga dokumento at iba pa, isang homemade shotgun, isang caliber 45 pistol, kulay asul na motorsiklo na may plakang X-5975 at Nokia cell phone.
Tumatanggi pa ang mga suspek na sabihin ang kanilang motibo sa kanilang ginawang pagbaril sabiktima.
Inimbitahan na rin sa presinto ang guwardiya ng unibersidad na si Jimmy Bautista matapos na matukoy sa cell phone na nakumpiska ng mga awtoridad na ka-text ito ng mga suspek bago maganap ang insidente.
Gayunman, itinatanggi ni Bautista na may kinalaman siya sa pagbaril kay Leaño.
Nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidenteng ito.
- Latest