^

Police Metro

Comelec inaprubahan ang media absentee voting

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa loob ng tatlong araw ay pinapayagan ng Commission on Elections (Comelec) na makaboto ang mga miyembro ng media.

Ito’y makaraang apru­bahan ang Come­lec Resolution 9637 na puwede nang bumoto ang mga miyembro ng media sa regional election office kung ang mga ito ay nakabase sa National Capital Region (NCR), sa office of the city election officer kung nasa highly-urbanized at independent cities, at sa provincial election office para sa mga taga-lalawigan.

Nakasaad sa 14 na pahinang kautusan na pirmado nina Commissioners Lucenito Tagle, Elias Yusoph, Christian Robert Lim, Grace Padaca at Chairman Sixto Brillantes, itinakda ang pagboto ng mga kagawad ng media sa Abril 28, 29 at 30, 2013 kasabay ang iba pang local absentee vo­ting tulad ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kailangan lamang na maghain ang media ng aplikasyon hanggang Marso 31 upang maka­boto.

Sisimulan ito ng ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa ilalim ng pamamahala ng mga local Comelec officers.

Bumuo naman ng Committee on Local Absentee Voting (CLAV) ang poll body na siyang may direktang kapangyarihan sa proseso ng nasabing botohan.

Tanging ang mga rehistradong media lamang noong nagdaang registration period ang mabibigyan na makasali sa halalan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

CHRISTIAN ROBERT LIM

COMELEC

COMMISSIONERS LUCENITO TAGLE

ELIAS YUSOPH

GRACE PADACA

LOCAL ABSENTEE VOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with