^

Police Metro

Nanapak ng MMDA enforcer nagpiyansa

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang makaiwas sa pag-aresto ay naglagak kahapon ng piyansang P24,000 ang tobacco firm executive na si Robert Blair Carabuena  kaugnay ng kasong pananapak sa MMDA enforcer para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Magugunita na nagpalabas ng arrest warrant si  Me­tropolitan Trial Court Branch 42 Judge Juris Dilinila-Callanta laban kay Carabuena na ang unang piyansa ay P12,000 ay naging P24,000 matapos itong mabigong dumalo sa itinakdang hearing sa kaso noong Pebrero 7.

Ang pagpipiyansa ni Carabuena ay ginawa matapos isnabin din ang mosyon ng kampo nito na humihiling na pawalang bisa ang kanyang warrant of arrest dahil kaya hindi nakadalo sa hearing ay dahil sa sakit na gastroenteritis.

Si Carabuena ay kinasuhan ni MMDA Traffic Constable Saturnino Fabros  ng direct assault charges on a person of authority makaraang sapakin ito nang sitahin sa traffic violation noong nakalipas na taon.

CARABUENA

JUDGE JURIS DILINILA-CALLANTA

MAGUGUNITA

PEBRERO

ROBERT BLAIR CARABUENA

SI CARABUENA

TRAFFIC CONSTABLE SATURNINO FABROS

TRIAL COURT BRANCH

UPANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with