Mayor ng Sulu, bodyguard nakapatay sa loob ng munisipyo
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay Panglima Estino, Sulu, Mayor Munib Estino at bodyguard nitong si PO2 Hector Abubakar dahil sa kasong homicide at obstruction of justice na naisampa sa tanggapan ng Ombudsman noong nakaraang buwan.
Ang dalawa ay sinasabing sangkot sa pagbaril at pagpatay sa biktimang si Mannan Badang noong Feb. 22, 2010 nang magkaroon ng argumento sa loob ng town hall ng Panglima Estino sa Sulu habang isinasagawa ang isang pagpupulong doon.
Pinayagan naman ng graft court na makapagpiyansa si Estino ng halagang P40,000 para sa kasong homicide at P12,000 para sa ikalawang kaso ng kriminal. Si Estino na dating vice governor ng Sulu ay itinuturong siyang bumaril kay Badang habang pinangangasiwaan ang isang hearing tungkol sa away pamilya.
- Latest