Bodyguard ng vice mayor todas sa motor
MANILA, Philippines - Isang bodyguard ng vice mayor ng Pasay City ang nasawi matapos na sumemplang ang sinasakyan nitong motorsiklo sa EDSA kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay kinilalang si Romeo Pugay, 46-anyos, may-asawa, residente ng no. 143 F. Cruz St., Pasay City at bodyguard ni Vice-MaÂyor Marlon Pesebre.
Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi ay miÂnamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (UT-4820) sa kahabaan ng EDSA patungo sa Taft Avenue at pagdating sa tapat ng DLTB Bus Terminal ay nawalan ito ng kontrol at sumemplang.
Agad na nirespondehan ng Pasay City Rescue Team ang biktima at unang isinugod sa Pasay City General Hospital bago ipinalipat sa San Juan De Dios Hospital at dakong alas-11:56 ng gabi ay nalagutan ito ng hininga.
- Latest