^

Police Metro

Graduating student dedo sa ambulansiya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na makakasama sa martsa sa darating na graduation ang isang 19-anyos na 4th year high school matapos itong masawi nang masalpok ang minamanehong tricycle ng isang ambulansiya kahapon ng madaling-araw sa crossing ng Pulupundan, Brgy. Mabini, Valladolid, Negros Occidental.

Ang nasawi ay nakilalang si Michael Ruiz, na nagtamo ng malaking sugat sa ulo.

Ang mga nasuga­tan ay kinilalang sina John Dexter Traigo; Jessie Rey de Pena,18; Charlene Medalla, 19 at Liezel Villa-Corteza, 16.

Batay sa ulat, dakong alas-3:35 ng madaling-araw ay pauwi na ang biktima at minamaneho nito ang tricycle at pagdating sa crossing ay  hindi nito namalayan ang paparating na ambulansiya.

Tuluy-tuloy na sinalpok ng ambulansya na pag-aari ng local na pamahalaan ng bayan ng Ilog, Negros Occidental na maghahatid sana ng pasyente sa Bacolod City.

Inamin ng driver ng ambulansiya na si Efren Millan, 59 na hindi nito pinatunog ang sirena kaya’t hindi siya namalayan ng driver na humantong sa malagim na sakuna.

BACOLOD CITY

BATAY

CHARLENE MEDALLA

EFREN MILLAN

JESSIE REY

JOHN DEXTER TRAIGO

LIEZEL VILLA-CORTEZA

MICHAEL RUIZ

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with