^

Police Metro

Away pamilya sa Caloocan: 4 patay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang tatay, dalawa nitong anak at isang pulis ang nasawi habang isa ang nasugatan sa naganap na barilan sa Caloocan City na umano ay away-pamilya kahapon ng madaling-araw.

Ang mga nasawi ay ang mag-aamang sina Manolito Piccio, 56, anak na sina Audie, 32 at Erick­son at ang pulis na si PO3 Ernesto Castillo, nakatalaga sa Northern Police District (NPD), subalit hindi na pumapasok sa trabaho.

Ang nasugatan ay ang  kapitbahay ng pamil­ya Piccio na  si James Christopher Palunday, 17, nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang hita  dahil sa  ligaw na bala.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang barilan dakong alas-12:00 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng pamilya Piccio sa Rose St., King Solomon, Barangay 174, Camarin ay magkakasamang nag-iinuman ang mag-aama nang duma­ting si PO3 Castillo na may kasamang ilang kala­lakihan at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mag-aama.

Kahit na may tama ang mag-aamang Piccio ay nagawa nitong mabaril si PO3 Castillo at namatay din ito.

Sa salaysay ng misis ni Manolito na si Susan Piccio, posible anya na niresbakan ang kanyang mag-aama dahil sa may napatay ang kanyang anak na si Emer na nag­ngangalang Jun Bonto dahil umano sa agawan ng sumpak.

May hinala ang ginang, na posibleng gu­ma­ganti ang asawa ni Bonto na nakilala lamang na  â€œalias Eli” at ito umano ang nagbayad kay PO3 Castillo upang patayin ang kanyang mag-aama.

Nabatid pa sa ginang, apat na ang napatay sa kanyang pamilya dahil una nang pinatay ang isa niyang anak  na si Tristan.

Sinabi pa nito, na hindi nila  kilala si PO3 Castillo, pero may kasama itong ilang kalalakihan nang sumugod sa kanilang bahay at pagbabarilin ang kanyang mag-aama.

CALOOCAN CITY

ERNESTO CASTILLO

JAMES CHRISTOPHER PALUNDAY

JUN BONTO

KING SOLOMON

MAG

MANOLITO PICCIO

PICCIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with