Cardinal Tagle, posibleng maging Santo Papa
MANILA, Philippines - Makakasama sa pagpipilian si Manila Archbishop Luis Cardinal Tagle na susunod na magiging Santo Papa, matapos ang pag-anunsiyo sa nalalapit na pagbibitiw ni Pope Benedict XVI.
Ito ang sinabi ni Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Executive Secretary Fr. Francis Lucas, dahil pagkatapos ng Pebrero 28 na siyang araw na pagbibitiw ng Santo Papa, ay magbibilang ng 15-20 araw kung saan dapat na ring simulan ang conclave.
“Pero tandaan din natin 42% ng total Catholic population nasa Latin America. Pinag-uusapan na huwag na maging Eurocentric ‘yung Catholicism so maaaring makuha dun sa ibang continent, pero compared ang Asia sa mga member ng Catholics sa Africa at Latin America, mas konti tayo,†ani Lucas.
Ayon kay Lucas, posibleng umabot sa 118 ang makasama sa botohan at two-thirds ang dapat makuhang boto para maluklok na bagong Santo Papa.-Doris Franche-Borja-
Samantala, inamin ng CBCP na lubha nilang ikinagulat ang inanunsyong pagbibitiw ng Santo Papa dahil walang mag-aakalang magbibitiw ang Santo Papa dahil matagal nang walang nagbibitiw na lider ng Simbahang Katolika at karaniwang pinapalitan ito kung pumanaw na.
Gayunman, tanggap anya ng CBCP ang desisyon ni Pope Benedict XVI lalo’t mabigat ang ginawang pag-dedesisyon nito sa harap ng kanyang kalusugan.
- Latest