^

Police Metro

78-anyos na lola miNartilyo ng 70-anyos na lola

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 78-anyos na lola ang nasawi matapos na hatawin ang ulo nito ng martilyo ng nakaaway na 70-anyos na lola kamakalawa ng hapon sa Trece Martirez City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Concepcion Conchita, residente ng Brgy. Hugo Perez ng lungsod, habang arestado naman ang suspek na nakilalang si Librada De Castro,  residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigas-yon ni PO2 Richard Chavez, ganap na alas-2:30 ng hapon nang magtungo sa himpilan ng pulisya ang mga kapatid ng biktima na nakilalang sina Susan Abrera at Romulo Abrera upang ireport ang ginawang pagpatay ng  kanilang kapatid.

Rumesponde ang mga pulis sa lugar at dito ay nakita ang duguang ulo ng bikti-    ma katabi ang isang martilyo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang dahilan kung bakit hinataw ng suspek ang ulo ng biktima.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CAVITE

CONCEPCION CONCHITA

HUGO PEREZ

LIBRADA DE CASTRO

RICHARD CHAVEZ

ROMULO ABRERA

SUSAN ABRERA

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with