Upang makaiwas sa illegal recruiter….. PEOS seminar ginanap sa Caloocan
MANILA, Philippines -Nagsagawa ng Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City na layuÂning maturuan ang mga residente kung paano makaiiwas sa mga illegal recruiters ang mga nagpaÂplanong magtrabaho sa ibang bansa.
Ayon kay CaloÂocan City Mayor Enrico “Recom†Echiverri, sa paÂmamagitan ng PEOS ay mababawasan na ang mga kababayan nating mabibiktima ng mga illegal recruiters na umiikot sa iba’t ibang lugar.
Ginanap ang PEOS nitong nakalipas na February 8, 9 at 10 sa Bulwagang Katipunan na matatagpuan sa city hall main kung saan ay dinaluhan ito ng mga barangay captains, kagawad at iba pang organisasyon.
Kasabay nito, iniÂlunsad din ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa naturang seminar ang programa nitong Anti-Illegal Recruitment (AIR) information dissemiÂnation.
- Latest