2 bebot utas sa 3 kelot
MANILA, Philippines -Inatado nang saksak ang dalawang babae ng tatlong lalaki na kanilang nakatalo sa gitna ng kalye kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.
Nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Aranza Mendez, nasa hustong gulang, residente ng Valley 6, ng lungsod habang hindi na umabot ng buhay sa Las Piñas District Hospital ang kasamahan nito na inaalam pa ang pagkakakilanlan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-3:00 ng madaling-araw ay magkakasamang naglaÂlakad ang mga biktima at suspek sa kahabaan ng Canaynay Road nang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo sa hindi pa malamang dahilan.
Isang residente sa lugar na nakilalang si Marina Villamor, ang nagpahayag sa pulisya na nagising siya sa pagsisigawan ng mga babae at lalaki.
Kaya’t sinilip niya ang mga ito at nakita na bumunot ng patalim ang mga lalaki at sunud-sunod na inundayan ang dalaÂwang babae bago nagsitakas.
Hinala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang pagtatalo ng mga biktima at suspek dahil sa may dati ng record na kaso sa iligal na droga ang nasawing si Mendez.
- Latest