Mister utas sa kapitbahay na kumukursunada sa kanyang misis
MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ang isang driver ng laÂlaking kapitbahay nito na sinita ng una dahil sa lagi nitong pagtitig sa katawan kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ay nakilalang si Alberto PaÂngilinan, 34, ng Ampatuan Compound, Oroquieta St., Sta. Cruz dahil sa mga tama ng saksak sa katawan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi ay sinita ng biktima ang suspek na lagi nitong nahuhuling nakatitig sa kanyang misis na tila kinukursunada nito.
Nagkaroon ng pagtaÂtalo ang dalawa hanggang sa umalis na lamang ang suspek habang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang biktima at naglaro ng gadget kasama ang anak na si Alzen, 9-anyos.
Nagulat na lamang umano ang biktima at kanÂyang anak nang makita na pumasok sa kanilang bahay ang suspek na armado ng patalim at saka inundayan ng saksak ang biktima. Nabatid na nasa labas ng bahay ang misis ng biktima nang mangyari ang insidente.
Hindi naman nadakip ang suspek na si Enrique Ronquillo na tumakas matapos ang krimen.
- Latest