^

Police Metro

Nanakit ng bata niresbakan, todas

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - “Wafu, pasensiya sinaktan mo anak ko”!

Ito ang kataga na sinabi ng isang suspek bago barilin ang 34-an­yos na biktima na lumaya kamakailan  mula sa National Bilibid Prison sa  Muntinlupa City, naganap kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala ng kalibre 45 baril sa batok ay nakilalang si  Angelo Figueroa, alyas Wafu, residente ng Block 17, Phase 2, Area 2, Dagat-dagatan, Brgy. Lo­ngos ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi  ay abala­ sa paglalaro sa loob ng isang computer shop malapit sa lugar ng biktima nang ito ay lapitan ng suspek na nakasuot ng helmet at binaril nang malapitan sa batok.

Nang bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Malaki ang hinala ng pulisya na kilala ng biktima ang suspek at posibleng nakatira ito sa kanilang lugar dahil binanggit ang pangalan nito at ginawang kasalanan sa pananakit sa anak.

Iimbestigahan ng pu­lisya kung sinong bata ang sinaktan ng biktima kung kaya’t niresbakan ito.

Ayon naman  kay Mary Figueroa, ang kanyang kapatid ay kalalaya lamang sa NBP dahil sa  sangkot umano sa mga nakawan,  illegal na droga at kasong frustrated murder.

ANGELO FIGUEROA

AYON

MALABON CITY

MARY FIGUEROA

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BILIBID PRISON

TONDO MEDICAL CENTER

WAFU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with