Buwaya na si ‘Lolong’, ipipreserba
MANILA, Philippines - Nagpadala na ng team kahapon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kinabibilangan ng mga veterinarians at biological experts sa Bunawan, Agusan del Sur upang malaman ang tunay na sanhi nang pagkamatay ng buwayang si Lolong.
Ayon kay DENR Secretary Ramon J.P.Paje, titiyakin ng kanyang mga tauhan mula sa Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) at National Museum na mananatiling buhay sa mata ng publiko si Lolong dahil sa ipipreserba ang balat nito sa oras na matapos ang imbestigasyon.
Magugunita na namatay noong Linggo ng alas-8:05 gabi si Lolong sa Eco Park, matapos na mahigit isang buwan na itong ayaw kumain.
Naging tanyag si Lolong sa buong mundo matapos na maitala sa Guinness Book of World Records na pinakamalaki at pinakamahabang buwaya na nahuli sa Pilipinas noong 2011.
Si Lolong ay nahuli sa isang ilog sa bayan ng Bunawan, Agusan del Sur noong Setyembre 2011 at naging tourist attraction na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista.
Ang 20 talampakang haba ng buwayang si Lolong ay napabilang sa Time Magazine sa talaan ng sampung “Real Life Monsters†na inilathala ng pamosong babasahin.
Naitala rin si Lolong sa Guinness Book of World Records bilang pinakamahaba at pinakamalaking buwaya sa buong mundo na tinalo ang rekord ng 17 talampakang haba ng buwayang nahuli sa Cairns, Australia mahabang panahon na ang nakakalipas.
Sa tala, si Lolong ang pinagsususpetsahang umatake at kumain sa isang magsasaka at isang 12-anyos na batang babae sa Bunawan, Agusan del Sur noong 2009.
Nabatid pa na ang nasabing buwaya ay ipinaÂngalan kay Ernesto “Lolongâ€Conate, isang crocodile hunter na taga Palawan na inupahan para hanapin at hulihin ang nasabing buwaya.
- Latest