Pinoy seaman patay,1 pa sugatan sa cruise ship drill sa Spain
MANILA, Philippines - Nasawi ang isang Pinoy seaman habang isa ang nasugatan sa naganap na rescue exercise o safety drill ng isang malaking cruise ship sa Canary Islands sa Spain kamakalawa ng umaga.
Sa report na nakaraÂting sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang ang isang Pinoy sa limang crew na kumpirmadong nasawi habang isa pang Pinoy ang kasama sa tatlong sugatan nang aksidenteng mahulog ang lifeboat na ikinakabit sa deck ng MS Thomson Majesty cruise ship na may sakay na 1,498 katao at 594 crew sa Sta. Cruz Port.
Kasama sa mga dayuhang nasawi ay ang tatlong Indonesian at isang Ghanian habang ang tatlong sugatan kabilang ang isang Pinoy at Griyego ay dinala at nilapatan ng lunas sa isang ospital sa La Palma.
Inatasan na ng DFA ang Embahada ng Pilipinas sa Madrid na makiÂpag-ugnayan sa Thomson Cruises, ang agency ng mga Pinoy crew at nagmamay-ari ng Thomson Majesty upang mabigyan sila ng assistance at sa repatriation ng nasawing Pinoy.
Kinumpirma ng Thomson Cruises ang insidente at sinabing walang nasaktan sa mga pasahero ng cruise ship habang nagtamo lang ng baÂhagyang sugat ang tatlong nailigtas na crew.
Nabatid na nagsimula umano ang drill dakong alas-10:30 umaga noong Linggo at nagsisakay ang mga tripulante ng cruise ship sa mga lifeboats para sa routine lifeboat tests.
Matapos ang isang oras, nagsimulang magsibalikan ang mga crew na nagsagawa ng emergency drill at habang ibiÂnabalik na sa deck ng cruise ship ang isang lifeboat ay biglang nakalas at bumigay ang mga kable at hook na humahatak at bumubuhat dito.
Sa bilis ng pangyayari, na-trap at tinamaan ng bumabagsak na lifeboat ang mga crew na sakay naman ng isa pang lifeboat na nasa gawing ibaba nito hanggang sa magkakasabay na bumagsak may 65 talampakan o 20 metro sa dagat.
- Latest