Lozada, nagpiyansa
MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang pag-aresto sa 2 counts of graft na may kinalaman sa umano’y maÂanomalyang leasehold rights grants si NBN ZTE deal whistleÂblower Jun Lozada noong siya pa ay Pangulo pa ng Philippine Forest Corporation (PFC) noong 2009 ay naglagak ito ng piyansa kahapon sa Sandiganbayan.
Si Lozada kasama ang kapatid na si Jose Orlando Lozada Jr., kasama ang madre mula sa Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) ay naglagak ng P60,000 piyansa na binayaran ng naturang religious sector at P30,000 na sinasabing galing kay Senador Ping Lacson ang inilagak para sa kapatid ni Jun na si Jose Orlando na sangkot din umano sa anomalya.
- Latest