^

Police Metro

Amalilio maibabalik sa bansa kahit may koneksyon sa Malaysia

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Hindi umano makakapekto sa isinusulong na extradition kay Aman Futures Founder Manuel Amalilio ang napaulat na koneksyon niya sa ilang matataas na opisyal ng  Malaysia.

Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Leila de Lima, dahil sa mananatiling bukas ang komunikasyon ng mga opisyal ng Pilipinas at ng mga counterpart nila sa Malaysia kaugnay sa posibilidad ng extradition ni Amalilio.

Tiniyak din umano mismo ng mga otoridad sa Malaysia ang pagbibigay nila ng assistance sa kaso ni Amalilio upang   mapabalik ito ng Pilipinas at maharap sa paglilitis ng mga kaso ng syndicated estafa.

Samantala, bubuo si De Lima ng team of pro­secutors at state counsels na ipadadala sa Malaysia para sa posibleng extradition kay Amalilio.

Ang hakbang ay batay na rin sa payo mismo ni Malaysian Atty. General Tan Sri Gani Patail sa pakikipagpulong sa mga kinatawang ipinadala ng DOJ sa nasabing bansa nitong isang linggo.

 

AMALILIO

AMAN FUTURES FOUNDER MANUEL AMALILIO

DE LIMA

GENERAL TAN SRI GANI PATAIL

JUSTICE SECRETARY LEILA

MALAYSIAN ATTY

PILIPINAS

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with