Apat na tulak ng droga tiklo sa PDEA
MANILA, Philippines - Tiklo sa mga tauhan Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na sinasabing mga drug pusher sa isinagawang magkakahiwalay na buy bust operation sa Pampanga, Naga City at Cagayan kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Ariel Aficial, Lawrence Lloyd Obrero, Celso Pastano at Donato Sinumlag.
Ayon kay Cacdac sina Aficial at Obrero ay naaresto ng PDEA Regional Office 3 sa pamumuno ni Director Adrian Alvariño sa isang buy bust operation sa Clark Economic Zone sa Pampanga ganap na alas-10 ng umaga.
Sumunod na nadakip si Sinumlag ng mga tauhan ng PDEA Kalinga Regional Office 2, sa pangunguna ni Director Juvenal Azurin at Enrile Police Station sa Cagayan sa isa ring buy bust oparation.
Sa entrapment operation naman naaresto ng PDEA Regional Office 5 sa pangunguna ni Director Archie Grande si Pastrano.
Ang apat ay nakuhaÂnan ng ibat-ibang volume ng droga at marijuana ng mga tauhan ng PDEA na nagkunwaring bibili ng ipinagbabawal na gamot.
Sa ngayon ay nakakulong ang apat sa PDEA detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive DangeÂrous Drugs Act of 2002.
- Latest