Pekeng Louie Vuitton kinumpiska ng BOC
MANILA, Philippines - Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P15-milyong hagala ng mga pekeng signature bags at belts sa Mactan Cebu, kamakailan.
Ininspeksyun kahapon ni Comm. Rozzano ‘Ruffy’ Biazon kasama nito ang chief ng Intellectual Property Right Division na si Atty. Zsae de Guzman ang mga smuggled na pekeng mga bag na Louie Vuitton at sinturon.
Tinangkang ipuslit ng isang pinaghihinalaang smuggler ang naturang copy cat o pinekeng mga bag at sinturon sa port ng Cebu.
Ang pagkakakumÂpiska sa mga kontrabando ay may kaugnayan din sa mahigpit kampanya ng BOC na pinamumunuan ni Biazon laban sa illegal smuggling activities sa bansa.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon hinggil sa nabanggit na kontrabando at inaalam na ang mga kasabwat dito.
Tiniyak ni Biazon na hindi na makakalusot sa ibat-ibang pantalan sa bansa ang mga kontrabando na nais ipasok sa bansa ng mga smuggler kaya ang payo nito ay tigilan na ang kanilang illegal na gawain kung ayaw nilang madakip at makasuhan.
- Latest