Radio at TV stations babantayan na ng poll body
MANILA, Philippines - Babantayan na nang husto ng Commission on Elections (COMELEC) simula mamayang alas-12:00 ng hatinggabi ang lahat ng istasyon ng radyo at telebisyon upang mamonitor ang itinakdang air time limits sa mga kandidato sa darating na mid term election sa Mayo.
Sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes, Jr., alinsunod ito sa pinaiiral na regulasyon sa mga patalastas ng mga kandidato sa broadcast media.
Giit ni Brillantes, hanggang hindi inaaksyunan ng Supreme Court ang hinihinging Temporary Restraining Order (TRO) ng Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) at ilang media network ay tuloy ang kanilang monitoring.
Una dito ay dumulog sa Supreme Court ang KBP, GMA-7 at TV-5 upang ipawalang-bisa ang itinakdang limitasyon ng Comelec sa mga political ads o mas kilala bilang ‘aggregated airtime limit’ na 120 minutes sa TV at 180 minutes sa lahat ng himpilan ng radyo.
- Latest