^

Police Metro

Manu-manong halalan, no way sa COMELEC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - No way sa Commission on Elections (COME­LEC) ang mga panawagang bumalik na lamang sa manu-manong halalan kasunod ng mga pina­ngangambahang depekto sa automation technology  na isisilbi ng Smartmatic service provider.

 Tahasang niredyek ni Comelec Chairman Sixto  Brillantes Jr, ang mga panukalang gamitin ang manual system of elections para sa May 2013 polls.

 Sinabi ng poll chief, gagamitin lamang ang manu-manong bilangan kung talagang wala ng magagawa  sa automated elections.

“Hindi tayo pupunta sa manual election… Itinatakda ng batas ang automation ng halalan kaya ito ang ating ipapatupad at susundin” ani, Brillantes.

Binanggit din ni Brillantes na may inihanda  rin silang contingency measures  kung sakaling kakailanganin ng manu-manong bilangan.

Giit ni Brillantes na hindi sila pumopokus sa naturang aspeto dahil preparado na ang komisyon sa automated election.     Nabatid din kay Brillantes na mula February 4 hanggang Ferbuary 6 ay nakapag-imprenta  na ng 1.1 milyong balota ang National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

 Aminado ang opis­yal na mabagal ang  usad ng printing  lalo  na at  52,017,360  ang dapat na malimbag sa loob ng 90 araw o hanggang Abril 25 lamang.

 Tatlong high-end printers  ang ginagamit ngayon ng NPO  sa natu­rang proyekto at  ayon sa poll chief ay 314 na balota ang nalilimbag ng bawat makina sa isang minuto o kabuuang  isang  mil­yong balota kada makina sa loob ng isang araw.

ABRIL

AMINADO

BINANGGIT

BRILLANTES

BRILLANTES JR

COMELEC CHAIRMAN SIXTO

NATIONAL PRINTING OFFICE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with