Talipapa sa Las Piñas, nasunog
MANILA, Philippines - Nasa P2 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo sa isang oras na sunog sa isang palengke sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.
Halos nasa 25 stalls ang naabo at walang naiulat na nasugatan o nasawi sa nasabing sunog na nag-umpisa dakong alas-10:48 ng gabi at idineklarang fireout dakong alas-11:48 ng gabi.
Batay sa ulat, nagsimula ang sunog sa stalls ng mga plastic items na mabilis na kumalat sa iba pang stalls ng Flea Market ng Barangay CAA ng lungsod.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago ito napula ng mga rumespondeng bumbero. Inaalam pa kung paano nagsimula ang sunog sa nasabing stall.
- Latest