^

Police Metro

Smartmatic nakatakdang kasuhan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil umano sa kabiguang tuparin ang ilang probisyon na nakapaloob sa  nilagdaang deed of sale ay pinag-aaralan na ng Commission on Elections­ (Comelec) ang pagsasampa ng kaso laban sa techno­logy provider na  Smartmatic.

Ayon kay  Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., may legal na batayan para ipagharap nila ng asunto ang Smartmatic International dahil kabiguan na maisagawa ang enhancement sa mga Precinct Count Optical Scan o PCOS machines.

Sinabi ni Brillantes na ang enhancement sa mga makina ay isa sa mga  kondisyon ng Comelec nang magpasya  silang gamitin ang option to purchase sa   kontrata sa Smartmatic para sa eleksyon noong 2010. Tinukoy ng poll chief ang walong minor enhancement na itinakda ng Comelec na dapat gawin ng Smartmatic bago nila bilhin ang mahigit 80,000 voting machine noong Marso, 2012.

Ngunit nililinaw ng opisyal na hindi pa nila  napagpapas­yahan ang pagsasampa ng kaso dahil abalang-abala sila sa paghahanda sa eleksyon.

AYON

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

DAHIL

PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN

SMARTMATIC

SMARTMATIC INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with