^

Police Metro

Pitaka nahulog sa barko… Seaman tumalon sa dagat, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang ipinagpalit ng isang 22-anyos na apprentice engineer ng isang barko ang kanyang buhay sa P300 na laman­ ng pitaka na nahulog sa dagat nang tu­malon ito para kunin ang pitaka,  naganap sa karagatan na sakop ng Brgy. Tayud, Consolacion, Cebu.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Ariel Montebon, apprentice engineer sa Lady of Prosperity na isang cargo ship.

Batay sa ulat ng pu­lisya, bandang alas-7:30 ng gabi noong Huwebes ay hawak ng isang Randy Casquite, 21, isa ring apprentice engineer ang isang pitaka na may lamang P300 na pag-aari ng kusinero ng barko na aksidenteng na­bitawan at nahulog sa dagat.

Dali-dali namang tu­malon sa barko si Montebon upang marekober ang pitaka, subalit nabigo na itong makaahon.

Nabatid na ang barkong sinasakyan ng mga biktima ay nakadaong sa Sandoval Shipyard malapit sa Cansaga Bay Bridge.

Nagsagawa naman ng retrieval operation ang mga divers ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima nitong Biyernes dakong alas-6:30 ng gabi.

Pinaniniwalaan namang tumama sa matigas na bahagi ng barko ang ulo ng biktima na siya nitong ikinasawi.

ARIEL MONTEBON

BATAY

BIYERNES

CANSAGA BAY BRIDGE

LADY OF PROSPERITY

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

RANDY CASQUITE

SANDOVAL SHIPYARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with