^

Police Metro

Kagawad inutas habang nagmomotor

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad na nagmamaneho ng motor­siklo ang binaril ng isang armadong lalaki na lulan din ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng JP Rizal, Brgy. Tagapo, Santa Rosa City, Laguna.

Ang biktima na hindi na  umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si Augusto Espeleta, 42, Brgy.Kagawad ng Brgy. Malaban, Biñan City  ng lalawigan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:16 ng gabi ay sakay ang biktima ng kaniyang kulay puting Yamaha Mio Sporty (WB7992) at patungo sa direksyon ng Bali­bago nang sundan ng hindi nakilalang salarin na sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan at pinagbabaril ang biktima gamit ang cal 45 pistol.

Duguang bumagsak mula sa motorsiklo ang biktima na nagawa pang maisugod sa Marian Hospital, subalit nabigo nang maisalba pa ang buhay.

Mabilis namang tumakas ang salarin patungo sa hindi pa malamang destinasyon matapos ma­isakatuparan ang pagpatay sa biktima.

 

vuukle comment

AUGUSTO ESPELETA

BRGY

DUGUANG

ISANG

KAGAWAD

MARIAN HOSPITAL

SANTA ROSA CITY

YAMAHA MIO SPORTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with