^

Police Metro

Korte-Arestuhin na si Carabuena!

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng warrant of arrest si Quezon City Metropolitan Regional Trial Court branch 42 Judge Juris Dilinla-Callanta laban kay Robert Blair Carabuena, na nanapak ng isang traffic enforcer ng MMDA noong Agosto 2012.

Ang pagpapalabas ng warrant of arrest matapos na hindi ito sumipot kahapon sa pagbasa ng sakdal laban sa kanya sa pagsasabing may-sakit ito.

Ayon kay Judge Dilinla-Callanta, ang pagka-karoon ng karamdaman ay hindi sapat na basehan para ipagpaliban ang suspension sa ilalim ng rules of the court.

Dinoble rin ng korte ang piyansa nitong P12,000 na naunang inirekomenda para sa kanyang pansa-mantalang paglaya.

Inatasan din ni Dilinla-Callanta si Atty. Caesar Ortega, abogado ni Carabuena na magpakita ng dahilan kung bakit hindi dapat i-contempt ang kanyang kliyente.

Si Ortega na hindi rin nakadalo sa hearing kaha­pon ay nagpadala ng repre­sentante na nagsumite ng kopya ng medical certificate ni Carabuena.

Ang insidente ay nag-ugat sa nakuhang video taped ng TV-5 news crew na sinasaktan ni Carabuena si MMDA traffic enforcer Saturnino Fabros na naging viral sa internet ang video.

AGOSTO

CAESAR ORTEGA

CARABUENA

JUDGE DILINLA-CALLANTA

JUDGE JURIS DILINLA-CALLANTA

QUEZON CITY METROPOLITAN REGIONAL TRIAL COURT

ROBERT BLAIR CARABUENA

SATURNINO FABROS

SI ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with