^

Police Metro

Akusado sa Aman pyramiding scam gustong maging state witness

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ng isa sa mga akusado sa Aman Futures pyramiding scam na maging testigo sa kaso dahil hindi siya opisyal ng kumpanya kundi isang investor.

Sa isinagawang pagdinig sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa reklamong isinampa laban kay Pagadian City Mayor Samuel Co, nabatid mula kay Donna Coyme na noong Disyembre ay nagsumite na siya ng kanyang aplikasyon sa witness protection program (WPP)  ng DOJ.

Sumailalim na rin umano siya sa interview bilang ba­hagi ng pagproseso ng kanyang aplikasyon sa WPP.

Muling nilinaw ni Coyme na siya ay hindi opisyal ng Aman Futures at siya ay investor lamang at naging tutor ng anak ng Presidente ng grupo na si Fernando “Nonoy” Luna.

Nais umano niyang tumestigo para maihayag ang katotohanan at mabigyan ng katarungan ang iba pang nabiktima ng Aman Futures.

 

vuukle comment

AMAN FUTURES

COYME

DEPARTMENT OF JUSTICE

DISYEMBRE

DONNA COYME

FERNANDO

NONOY

PAGADIAN CITY MAYOR SAMUEL CO

SIYA

SUMAILALIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with