^

Police Metro

Hepe ng QC-BFP di dapat palitan - Bistek

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hiniling ni Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na panatilihin sa puwesto si Bureau of Fire Protection District Director. Senior Supt. Bobby Baruelo.

Ayon kay Bautista na hindi pa nararapat sa kasalukuyan ang pagpapalit dahil malalagay lamang umano sa pagkabinbin ang tulong na ilalaan ng local government sa kagawaran.

Ang kahilingan ni Bautista ay matapos na makatanggap ng ulat ang kanyang tanggapan na papalitan si Baruelo ng mas batang opisyal at kinukunsidera na ipalit ay si Supt. Jesus Fernandez.

Si Fernandez ay mahabang naglingkod bilang commander ng Region II at hindi man lamang naitalaga sa Metro Manila.

Sa sulat ni Bautista kay Roxas na walang panga­ngailangan ang kanyang pamahalaan para palitan si Baruelo dahil nasa estado sila ng preparasyon.

Idinagdagpa ng alkalde na anumang hakbang para ipatupad ang paglilipat, pagtatanggal, o paggalaw sa career service employees ng pamahalaan ay sasalungat sa statutory ban ng Commission on Elections.

Kung sakali na matapos na ang election ban at kailangan na palitan si Baruelo ay hihilingin ni Bautista kay Roxas na magbigay sa kanya ng shortlist ng kandidato para maikonsidera niya.

BARUELO

BAUTISTA

BOBBY BARUELO

BUREAU OF FIRE PROTECTION DISTRICT DIRECTOR

JESUS FERNANDEZ

METRO MANILA

QUEZON CITY MAYOR HERBERT

ROXAS

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with