^

Police Metro

Kelot ‘nagparaos’ sa ika-5 palapag, nahulog

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Basag ang bungo at bali ang mga buto ng isang 45-an­yos na obrero matapos na ito ay mahulog mula sa ika-5 palapag ng ginagawang gusali habang umano’y ‘nagpaparaos’ kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si William Lac­bayo, stay-in worker at residente ng Hillcrest Village, Camarin, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang madiskubreng patay ang biktima ng mga kasamahang obrero sa sementadong kalsada sa itinatayong Seafgear Sea building sa kanto ng Kanluran at Honario Boulevard , Balut, Tondo, Maynila.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago ang insidente ay nakikipag-inuman ang biktima sa mga kasamahan sa trabaho.

Pagkatapos umano ng inuman ay umakyat sa rooftop ang biktima at doon na rin nakatulog ng nasabing oras.

Nadaanan ang biktima ng mga kasamahan na nakahandusay, wala nang buhay at walang saplot na pang-ibaba.

Nakuha sa tabi ng ti­nu­lugan ng biktima ang kanyang kumot, short, brief at mga bold magazine.

Posible anya umanong nagpaparaos ang  biktima at dala ng kalasingan ay nawalan ito ng balanse hanggang sa mahulog.

Inaalam din ng pu­lisya kung may naga­nap na foul play sa pag­ka­matay ng biktima ba­gama’t may nakaharang na beam sa kanyang tinutulugan.

BASAG

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

HILLCREST VILLAGE

HONARIO BOULEVARD

MAYNILA

SEAFGEAR SEA

SHY

WILLIAM LAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with