NPA top officer sa CamNor nadakip
MANILA, Philippines - Isang amasona na itinuturing na mataas na lider ng mga NPA rebels sa lalawigan ng Camarines Norte ang nadakip sa isinagawang operasyon sa Brgy. San Roque, Iriga City, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni AFP-Southern Luzon Command Spokesman Col. Generoso Bolina ang nasakoteng top officer ng NPA rebels na si Nancy Ortega alyas Ka Nads/Sads.
Batay sa ulat bandang alas- 8:30 ng gabi nang masakote ng tropa ng Army’s 902nd Infantry Brigade sa ilalim ng superbisyon ni Col. Richard Lagrana at ng mga elemento ng lokal na pulisya si Ortega sa pinagtataguan nito sa Brgy. San Roque ng lungsod ng Iriga.
Si Ortega ay siyang itinuturing na overall commander ng NPA sa Camarines Norte ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong multiple murder.
Nabatid na si Ortega ang namuno sa mga insidente ng pag-atake sa mga himpilan ng pulisya at detachment ng militar sa Camarines Norte. -
- Latest