9 pa sinuspinde … 2 PNP general sinibak ng Ombudsman sa anomalya ng rubber boats
MANILA, Philippines - Dalawang heneral ng Philippine National Police (PNP) ang sinibak sa trabaho habang 9 ang sinuspinde matapos na mapatunayan ng Office of the Ombudsman na nagkasala sa umano’y maanomalyang pagbili ng 75 depektibong rubber boats na nagkakahalaga ng P131.5 milyon kasunod ng bagyong Ondoy at Pepeng noong 2008.
Sa 118 pahina na deÂsisyon na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na napatunayang nagkasala sina Chief Supt. Herold UbalÂde at Deputy Director General Benjamin Belarmino, Jr. sa kasong gross neglect of duty at grave misconduct at hindi rin makakatanggap ng retirement benefits at pagkadiskwalipika na humawak ng alinmang puwesto sa gobyerno.
Sinuspinde naman ng anim na buwan sina Police Dir. George Piano, Chief Supt. Luis SaliÂgumba, Senior Supt. Job Nolan Antonio at Senior Supt. Edgar PaÂatan, pawang miyembro ng PNP’s Inspection and Acceptance Committee matapos mapatunayang nagpabaya sa tungkulin kaugnay ng naturang isyu.
Isang buwan namang suspendido at walang sahod sina Joel CL Garcia alyas Joel Crisostomo De Leon Garcia, Ronald Lee, Ma. Linda Padojinog, at NUP Ruben Gongona, pawang miyembro ng PNP National Headquarters Bids and Awards Committee and Technical Working Group.
Ang kaso ay nag- ugat sa reklamo noong Nobyembre 15, 2011 at Pebrero 17, 2012 na naisampa ng tanggapan ng Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement OffiÂces’ Fact-Finding Bureau (FFIB-MOLEO).
Lumabas sa records na ang PNP ay bumili ng 75 rubber boats at 18 spare engines o outboard motors para gamitin ng PNP Maritime Group bilang bahagi ng PNP’s Annual Procurement Plan noong 2008 sa ilalim ng Capability Enhancement Program Funds, pero nang maiÂdeliver ang naturang mga equipments, ay nadiskubre ng PNP Maritime Group’s Technical Inspection Committee on Watercrafts na depektibo ang mga equipments at delikadong gamitin bukod sa ang iba ay di gumagana.
- Latest