^

Police Metro

Gov. Garcia atbp. guilty - Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Guilty sa kasong grave misconduct kaugnay ng umanoy naganap na iregularidad sa pagbili ng lokal na pamahalaan sa Balili Estate noong taong 2008 si Cebu Governor Gwendolyn Garcia at lima pang opisyal ng lalawigan na sina Juan Bolo, Board member ng Sangguniang Panlalawigan; Anthony Sususco; Roy Salubre; at Eulogio Pelayre, pawang miyembro ng Provincial Appraisal Committee at Emme Gingoyon, Provincial Budget Officer.

Batay sa 26 pahinang joint decision na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na may admi­nistrative liability si Garcia at Bolo sa kanilang reelection sa nagdaang 2010 National and Local Elections habang si  Sususco, Salubre, Pelayre at Gingoyon ay paparusahan ng pagsibak sa serbisyo bilang accessory penalties.

Ang kaso ay nag-ugat sa tatlong hiwalay na reklamo sa tanggapan ng Ombudsman ng Visayas Public Assistance and Corruption Prevention Office (PACPO-Visayas)Manuel Manuel at Crisologo Saavedra na may kinalaman sa  hindi tamang pagbili ng  Cebu Provincial Government sa  nasabing lupain na kapapalooban ng  11 parcels ng lupa na may kabuuang 249,246 square meters na may halagang P99,698,400, na ang P98,926,800 ay agad na nabayaran.

Ang bayaran ay naisagawa sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ni Garcia para sa lalawigan ng Province of Cebu hinggil sa pagbili ng naturang lupain na matatagpuan sa  Tina-an, Naga, Cebu na may halagang P400 kada square meters.

Sinasabing nagkaroon ng iregularidad sa pagbili ng Balili Estate dahil noong panahong iyon ay walang pondo ang lalawigan ng Cebu para dito.

Sinasabing ang 50 percent ng total payment sa naturang lupa ay kinuha ng provincial government  sa P50 milyon budget na laan sana sa implementasyon ng Site Development and Housing Program sa ilalim ng  Social Services.

Ang 11 parcels umano ng naturang lupain na nabili ay may 196,696 square meters ng total area na  249,246 square meters  dahil ang iba dito ay umabot sa dalampasigan kayat hindi ito maaaring magamit para sa site development o sa housing project man.

Sinasabing ang paggamit ng pondo para  sa ibang bagay ay illegal.

 

ANTHONY SUSUSCO

BALILI ESTATE

CEBU

CEBU GOVERNOR GWENDOLYN GARCIA

CEBU PROVINCIAL GOVERNMENT

CRISOLOGO SAAVEDRA

EMME GINGOYON

EULOGIO PELAYRE

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with