^

Police Metro

Antipolo Mayor kakasuhan ng graft

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang kasuhan ng graft and corruption si Antipolo Mayor Nilo Leyble kaugnay ng kontrobersiyal na proyektong Victory Mall na itinayo sa lupang pag-aari ng lokal na pamahalaan sa tapat ng sikat na Katedral ng naturang lungsod.

Isang grupo ng mamamayan ng Antipolo sa pangunguna ni Atty. Henry Rosantino ang nagpahayag na pinag-aaralan na nila ang paghahain ng demanda laban kay Leyble dahil umano sa “sobrang pagka-dehado ng mga Antipolenyo” sa pinasok na kontrata.

Ayon kay Rosantino, pumasok sa Leyble sa kontrata sa nagtayo ng Victory Mall kung saan may parte lamang na 0.5 porsiyento (katumbas lamang ng 50 sentimos sa bawat P100) sa kikitain ng mall bawat taon ang lokal na pamahalaan habang 99.5 porsiyento naman ang kikitain na mapupunta sa negos­yanteng ka-deal umano ni Leyble sa proyekto.

Sinabi pa Rosantino, nasasaad sa batas na anumang pasuking kontrata ng mga opis­yal na pamahalaan ay dapat na hindi dehado sa mga mamamayan. Ang isang kontratang “grossly disadvantageous” ay paglabag sa batas na Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon naman sa kampo ni Leyble, ayos lang ang Victory Mall deal dahil mapupunta naman sa lokal na pamahalaan ang gusali nito pagkatapos ng 50 taon o kalahating siglo.

 

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ANTIPOLENYO

ANTIPOLO MAYOR NILO LEYBLE

AYON

HENRY ROSANTINO

ISANG

LEYBLE

ROSANTINO

VICTORY MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with