Pulis na senglot naghasik ng takot, inaresto
MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang baguhan at lasing na pulis na naghasik ng takot sa pamamagitan pagpapakita ng kanyang baril sa dalawang tricyle driver kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Ang suspek ay kinilaÂlang si PO1 Carlo Martin Ramirez, 29, nakatalaga sa Bulacan Provincial Safety Company, residente ng Jacinto St., Malolos, Bulacan at nahaharap sa paglabag sa election gun ban.
Batay sa ulat, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang rumesponde ang mga pulis sa Que Grande St., Brgy. Gen. T. De Leon dahil sa natanggap na tawag na isang lalaki ang nananakot sa pamamagitan ng kanyang baril sa mga biktimang sina Ernesto Pascual at Jimmy Pascual.
Inabutan ng mga pulis ang suspek na sakay ng kotse na sinita at pinababa at nakumpiska dito ang isang .9mm na baril na nagpakilalang isang pulis.
Nang hingan ang suspek ng kaukulang papeles sa pagdadala nito ng baril ay wala itong maipakita kaya’t inaresto ito at siÂnamÂpahan ng nasabing kaso.
- Latest