^

Police Metro

5 Pinoy nailigtas sa Vietnam

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nailigtas ang limang mangingisdang Pinoy na na-stranded at lulutang-lutang hanggang sa mapadpad sa karagatang sakop ng Vietnam ang nakatakdang umuwi sa bansa matapos silang masagip ng mga Vietnamese fishermen.

Base sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Hanoi sa Department of Foreign Affairs (DFA),  nasa pangangalaga na ng Embahada at inaayos ang repatriation ng mga nailigtas na Pinoy na nakilalang sina Willy Diaz, Isny Boy Diaz, Rodney Acosta, Richard Matiaong at Asadin Taha, pawang residente ng Balabac, Palawan.

Ang limang mangingisda ay unang binigyan ng makakain at akomodasyon sa Nha Trang City ng Border Guard ng Khanh Hoa Province matapos silang masagip ng Vietnamese fishermen habang lulan ng kanilang bangkang pangisda noong Disyembre 26, 2012.

Nabatid na isang linggo ng na-stranded sa karagatan ang limang mangingisda matapos na masira ang makina ng kanilang bangka nang maispatan ng mga mangingisdang Vietnamese.

Ayon kay Philippine Ambassador to Vietnam Jerril G. Santos, isang simpleng turn-over ceremony ang isinagawa sa pagitan ng consular team ng Embahada  na pinamunuan nina  Assistance-to-National officer  Hector Herrera at Embassy translator Nguyen Minh Chieu at mga opisyales ng Border Guard ng Khanh Hoa Province noong Pebrero 1, 2013 sa Border Guard Office sa Nha Trang City para makuha sa kanilang pangangalaga ang limang Pinoy.

 

vuukle comment

ASADIN TAHA

BORDER GUARD

BORDER GUARD OFFICE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EMBAHADA

HECTOR HERRERA

ISNY BOY DIAZ

KHANH HOA PROVINCE

NHA TRANG CITY

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with