Motor bumangga sa nakaparadang trak: 2 dedo
MANILA, Philippines - Ang mabilis umanong pagpapatakbo ng motorsiklo ang ikinasawi ng dalawang katao kabilang ang isang sundalo matapos na sumalpok sila sa nakaparadang trak sa tabi ng highway sa Brgy. Libo-o, Dingle, Iloilo.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Master Sergeant Joselito Majaducon, nakatalaga sa Army’s 552nd Engineering Brigade at ang backrider na si Lenie Pasamanero, 23.
Batay sa ulat, bandang alas-12:05 ng madaling-araw ay minamaneho ni Majaducon ang kanyang motorsiklo at angkas si Pasamanero na binabagtas ang nasabing lugar nang mangyari ang sakuna.
Sa pahayag ng ilang saksi sa pulisya masyado umanong mabilis ang takbo ng motorsiklo at hindi nito napansin ang nadiskaril na 10 wheeler truck sa tabi ng highway kaya’t tuluy-tuloy itong sumalpok.
- Latest