^

Police Metro

Miyembro ng robbery/kidnap gang pinatay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinagisan ng granada at pinagbabaril pa ng hindi pa kilalang suspek ang apat na miyembro ng Alferez group na ikinasawi ng isa kamakalawa ng gabi sa Ca­loocan City.

Namatay habang gina­gamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ed Villanueva, nasa hustong gu­lang, ng Cat­leya St., Phase 2, Natividad Subdivision, Ba­rangay 168, De­paro, Caloocan City.

Habang nakaligtas sa ka­matayan at tumakas ang mga kasama ni Villanueva na sina Antonio Salvador; isang alyas Jim at alyas Panoy.

Sa salaysay ni Nancy Talose, tumatayong care giver ni Salvador na may sakit na cancer, dakong alas-8:45 ng gabi ay nasa loob sila ng bahay kasama ang kanyang 2-anyos na anak na lalaki at yayang si Lovely Rosas kasama sina Salvador nang sumulpot ang apat na kalalakihan at agad na nag­ha­gis ng granada at pag­kata­pos ay pinagbabaril sila.

Dito ay minalas na tamaan ng bala si Villanueva at ang mga kasama nito sa grupo ay mabilis na tumakas.

Base sa record ng Caloocan City Police, lumalabas na ang mga pinagbabaril ay miyembro ng Alferez group na sangkot sa mga kasong robbery, kidnap­ping at iba pang illegal na ga­wain.      

Nakakuha ang mga pulis sa bahay ni Villanueva ng shotgun, MK-2 hand grenade, mga bala ng M-14 at M-16, mga plaka ng saksakyan, rehis­tro; mga AFP uniform at mga bag.       

 Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga nakalaban ng nasabing grupo.

ANTONIO SALVADOR

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

ED VILLANUEVA

SHY

VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with