Mataas na parusa sa driver na lasing at lango sa droga
MANILA, Philippines - Tatlong buwang pagkabiÂlanggo at multang mula P20,000 hanggang P80,000 sa mga mahuhuling nagmamaneho ng lasing o lango sa ipinagbabawal na droga na nakasaad sa panukalang batas na nakalusot na sa Senado.
Ayon kay Senator Gregorio Honasan, chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous at may akda ng panukalang batas na tatawaÂging Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2012 sa sandaÂling maging ganap na batas.
Ang parusa ay ipapataw kahit pa walang nasaktan o naaksidente habang nagmamaneho ang suspek.
Kung makakaaksidente naman ang violator na magreresulta sa physical injuries, ito ay papatawan ng pagkabilanggo ng tatlong buwan hanggang 12 taong pagkabilanggo at pagbabayarin ng multang mula P100,000 hanggang P200,000 depende sa pinsalang matatamo ng biktima.
Pero, kung makakapatay ang violator dahil sa aksidente, ito ay papatawan ng parusang pagkabilanggo ng 12 taon hangÂgang 20 taon at mulÂtang mula P300,000 hanggang P500,000.
Bukod pa dito kukumpiskahin din ang lisensiya ng mga lalabag sa loob ng isang taon, at kung muli itong gagawa ng kasalanan o magmamaneho ng lasing o lango sa droga ay haÂbambuhay na siyang tatanggalan ng driver’s license.
Para sa mga violators na nagtataglay ng professional driver’s license, ang lisensiya ng mga ito ay habambuhay ng babawin sa unang conviction pa lamang.
Bukod pa dito magkakaroon na rin ng mandatory alcohol at drug testing sa mga driÂvers na nasangkot sa aksidente na nagresulta sa pagkasugat o pagkamatay ng kanilang biktima.
Sa datos na ipinalabas ng Land Transportation FranchiÂsing and Regulatory Board (LTFRB) noong nakaraang taon, umabot sa 86,602 vehicular accidents ang naitala sa bansa kung saan tatlong porÂsiyento dito ay drug o alcoÂhol related, samantalang 55 porsiÂyento ay dahil sa “driver’s errorâ€.
- Latest