Cebuana inatake ng ‘acetylene gang’
MANILA, Philippines - Inatake ng grupong “acetylene gang†ang isang sangay ng Cebuana LhuilÂlier Pawnshop na matatagpuan sa MacÂArÂthur Highway, Barangay Dalandanan, Valenzuela City sa pamamagitan ng pagÂdaan sa mga kanal at pagbutas sa dingding nito na natuklasan kahapon ng umaga.
Batay sa ulat, kinaÂumaÂgahan nang madisÂkubre ng guwardyang naka-duty ang naganap na panloloob sa naturang pawnshop maÂtapos makita dito ang isang malaking butas sa sahig.
Ayon sa pulisya, huÂmuÂkay ng malalim ang mga suspek at dumaan ang mga ito sa tunnel hangÂgang sa nakapasok ang mga ito sa nabanggit na estabÂlisimyento at maÂlayang natangay ang mga pera, alahas at mahahaÂlagang kagamitan.
Ayon kay Valenzuela City Police chief of police, Senior Superintendent Roderick Armamento, posibleng dakong ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng madaling-araw isinagawa ang panloloob.
- Latest