^

Police Metro

Mga sekyu sa mall aarmasan na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang hindi na umano maulit pa ang serye ng robbery/holdup sa Metro Manila kabilang ang pag-atake ng grupo ng ‘Ben Panday’ gang sa jewelry store sa SM Megamall sa Mandaluyong City noong Sabado ng gabi (Enero 26) maging sa Western Union sa Parañaque City kamakalawa at iba pa ay oobligahin na ni Philip­pine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agency (PNP-SOSIA) Director P/Chief Supt Thomas Rentoy, bilang ‘uniform requirement’ sa pag-iisyu ng permit na pag-aarmas sa lahat ng mga guwardiya na sa mga malls at iba pang mga establisyemento partikular na sa Metro Manila.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon, na nagawang ma­lusutan ng mga papa­takas na kawatan na nan­loob sa jewelry shop sa ground floor ng SM Megamall ang mga guwardiya ng Lambdan Security Agency  dahilan wala itong mga armas.

 Ang Lambdan Security Agency ay kabilang sa apat na security agency na nangangasiwa sa seguridad ng SM Megamall.

Nabatid sa opisyal na hindi lahat ng security agency ay pinag-aarmas ang kanilang mga security guards sa kahilingan na rin ng mga mall owner.

ANG LAMBDAN SECURITY AGENCY

BEN PANDAY

CHIEF SUPT THOMAS RENTOY

DIRECTOR P

LAMBDAN SECURITY AGENCY

MANDALUYONG CITY

MEGAMALL

METRO MANILA

NATIONAL POLICE-SUPERVISORY OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with