Pamangkin dinukot ginawang sex slave… rapist na tiyo tiklo sa Facebook
MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang 34-anyos na lalaki na wanÂted sa pagdukot at pangÂhaÂhalay sa 16-anyos na pamangkin na ang pakiÂkiÂpag-eyeball niya sa isang babae na nakilala niya at naging kaibigan sa Facebook dahil sa magandang larawan nito ang magiging daan para siya ay maaresto ng mga pulis sa loob ng SM Manila kamakalawa ng gabi.
Ang suspek ay nakilaÂlang si Bertrand Esplana, vice-president umano ng isang networking comÂpany na ang opisina ay matatagpuan sa City Land, Shaw Boulevard, Pasig City na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Daet Regional Trial Court, Branch 40 hinggil sa reklamong kidnapping and serious illegal detention with rape sa kanyang pamangkin.
Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek nang magÂpadala ng e-mail kay Manila Mayor Alfredo Lim ang isang Mark GherÂson Galarion, nobyo ng biktima at humingi ng tuÂlong para madakip ang suspek.
Agad na inatasan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang Mayor’s ComÂplaint and Action Team (MCAT) na makipag-ugnayan kay Galarion para planuhin ang entrapÂment.
Ayon sa nobyo ng bikÂtima na naisipan niya na gumawa ng bagong Facebook account at ipinalabas niya na babae siya at nag-post ng magaganda at nakaÂkabighaning larawan at nakipagkaibigan sa susÂpek sa pamamagitan ng chat.
Sa pag-aakala ng susÂpek na maybago siÂyang bibiktimahin ay nakiÂpagÂkasundo itong makipag-eye ball sa Robinsons GalÂleria na sa huli ay pinilit ni Galarion sa SM-Manila na lang magkita at pumayag ang suspek na kung saan ay doon na siya naaresto ng mga tauhan ng MCAT dakong alas-6:50 ng gabi sa SM Manila, tapat ng National Bookstore.
Ang biktima ay dinuÂkot, ikinulong at iginahasa ng apat na beses ng suspek sa loob ng 5 buwan noong nakalipas na taon sa Daet, Camarines Sur.
Kahit todo-tanggi ang suspek ay mariing iginigiit ng ama ng biktima (kapatid ng suspek) na ito ang duÂmukot at gumahasa sa kaniyang anak, bukod pa dito ay ginahasa din nito ang kanyang hipag sa BaÂguio City at anak ng hipag na 12-anyos lamang na natakot magsampa ng reklamo dahil sa panaÂnakot nito.
Nakatakdang i-turn-over ang suspek sa Daet, lalawigan ng Bicol para sa paglilitis.
- Latest