Pulis na nagreklamo, inaresto ng kabaro
MANILA, Philippines - Laking gulat ng isang pulis na siya pa ang aaresÂtuhin ng kanyang mga kabaro matapos siÂyang magpa-blotter laban sa isang lalaki na nagÂtangÂkang sumaksak sa kanya kamakalawa sa Parañaque City.
Ipinabatid naman ng mga kabaro sa suspek na si PO2 Arman Anthony Escallante, 39, nakatalaga sa Muntinlupa City Police Community Precinct (PCP)-7 na kaya siya ay inaÂresto dahil nakabaril ito ng isang fish vendor nang barilin niya ang nagÂtangkang sumaksak na isang alyas Dionisio Cabiao, Jr.
Kinasuhan si PO2 EsÂcallante ng kasong pagÂlabag sa Omnibus Election Code o gun ban.
Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay paÂsakay na sa kanyang moÂtorsiklo si PO2 Escallante sa Pascua St., Tramo I BaÂrangay San Dionisio ng naturang lungsod nang lapitan siya ni Cabiao at inundayan ng saksak sa hindi pa batid na dahilan.
Nailagan ni PO2 EsÂcallante ang pananaksak kaya’t binunot niya ang dalang kalibre .9mm na baril at pinaputukan si Cabiao, subalit hindi ito tinamaan at ang tinamaan ng bala sa kaliwang braso ang fish vendor na si Jessie Gabon, 35 na kasalukuyang nakaratay sa Philippine General Hospital (PGH) isailalim ito sa operasyon.
Nabatid na nakasibilyan si PO2 Escallante nang gawin ang pamamaril kaya’t sinampahan ito ng kaso.
- Latest